1:08 PM
nagsimula ang lahat nung magtatake ako ng entrance exam sa pamantasan ng lungsod ng marikina (dahil lilipat na nga ako ng school), medyo maaga kami nakarating sa campus ng kapatid ko kaya nag-stay muna kami sa loob ng kotse dahil wala naman antayan sa labas ng campus. nung time na para magsipasukan ang mga estudyante, hinarang ako ng guard at sinabi na bawal ang tsinelas pero sandals pwede.
aba gago ba sila hindi naman sila nagbigay ng notice sa lahat ng mage-entrance exam na bawal ang rubber slippers, kasama ko yung kapatid ko at siya kumwestiyon kung bakit hindi kami pwede papasukin (marami rin kaming hindi pinapasok dahil nakatsinelas) nang dumating itong matabang babae (itago na lang natin sa pangalang baboy tsina dahil hindi ko na inalam pangalan niya) at sinabi "magte-take kayo ng entrance exam naka-tsinelas kayo? ano akala niyo nasa up kayo?". kung hindi ba naman siya gagong baboy tsina, hindi niya idadahilan yun (de p*tang dahilan yan, ang bobo!). napaka lame ng excuse nila para hindi papasukin ang mga naka tsinelas.
sobrang inis namin tahimik na lang kami ng kapatid ko sa labas ng gate tapos me estudyanteng babae na nagtanong kung anong gagawin naming mga hindi pinapasok, at sumagot ang baboy tsina na "bumalik kayo sa hapon at hanapin ako". lintek siya pahirap sa buhay! umuwi na ako at ang kapatid ko pumasok na sa trabaho.
pag-uwi ko sobrang sa inis, humanap ako ng paraan para ilabas yung galit dahil kay baboy tsina at ang nahanap ko ay si chiz escudero! hooray! hahaha! nag-email ako sa kanya, para sa mga interesado basahin yung letter ko, click the link: http://dyiyanwei.blogspot.com/2008_05_01_archive.html
ngayon ko lang nareceive ang reply niya (ewan ko lang kung siya talaga yung nagreply) at sabi:
Dear Mr. Mangcucang,
With regards to your e-mail, I would just want to state that the Philippine Constitution already assures the freedom of speech and academic freedom.
But in addition to this, there is a bill currently pending in the Senate, S.B. 1641 entitled AN ACT PROVIDING FOR A MAGNA CARTA FOR STUDENTS, the aim of which is to serve as a means of recognizing and protecting the rights and welfare of the Philippine Studentry.
We can assure you that we will support the immediate passage of this bill.
Thank you and warm regards!
Very truly yours,
Chiz Escudero
astig di ba? personalized ang reply, hehehe... me ganyan pala para sa mga estudyante, sana maisabatas para sa mga school na nagbabawal ng kung ano-ano na walang magandang dahilan :D
P.S.
humanda ka sa akin baboy tsina ka dahil sinisigurado ko sa 'yo na maghihiganti ako sa pagpo-power trip mo at sinisigurado ko na mababaligtad ko ang pangyayari sa ating dalawa! wahahahaha!
<-evil, parang telenovela lang... wahahaha!
hindi ko pinopromote si chiz escudero, nagkataon lang na pwede ako magsumbong sa kanya... hehehe ^_^
...............................fly with me..............................