4:02 PM
Semana santa pampanga trip...
kahit huli na ang balita gusto pa rin isiwalat ang karumal-dumal na pangyayari ang ginawa sa akin nila mikai at jaye...
nag-overnight kami kanila mikai para makasiguro na hindi kami malalate mahirap na baka mag-init ulo ng tatay ni mikai maiwan pa kami... masaklap ang naka-impake ka na tapos naiwan ka na pala... :'c

si jaye talaga napakamanlalamang sa tulog, siya na nga yung me pinakamahaba na tulog sa amin natulog pa rin sa biyahe... ang laki-laki ng nasakop niya sa sasakyan, ang init-init na nga nakastretch pa siya... napaka-init ng buong biyahe dahil walang aircon ang sinasakyan namin, mabilis kami nakarating sa pampanga at nakakita kami agad ng mga nagpepenetensia, akala namin makakapanood kami ng live na senakulo yun pala sa tv din pala kami manonood... T_T
...............................fly with me..............................
1:20 PM
...next attraction...
...............................fly with me..............................
1:13 PM
...next to next attraction...
...............................fly with me..............................
11:27 PM
...next to next to next attraction...
...............................fly with me..............................
11:17 PM
...next to next to next to next attraction...
...............................fly with me..............................
3:37 PM
...pag naalala ko na lang...
...............................fly with me..............................
3:30 PM
...ewan ko kung kelan...
...............................fly with me..............................
3:28 PM
...matagal pa...
...............................fly with me..............................
3:27 PM
...coming soon too...
...............................fly with me..............................
3:20 PM
...coming soon...
...............................fly with me..............................
3:06 PM
Bagong buhay sa bahay ng 38th season UAAP overall champion…
After more than a decade kakanta na ba ako Manila hymn? Babalik na rin ba ang mga religious practices ko? Babalik na rin ba ang mga nawala kong tagihawat? Makakaranas na ba ako ng holdapan, snatchan, hablutan at kung anu-ano pang pwedeng marahas na karanasan? Anong klase ng buhay ang nag-aantay sa akin sa Maynila?? Goodbye Marikina na ba??

Maynila, Maynila
pangarap ko'y mabubuhay!
paglingap na walang kapantay!
galing kumanta!

missing link???
haay naku ano kaya mangyayare sa akin sa unibersidad ni Tigger? *ahehehehe me school din kaya si winnie the pooh, piglet, eeyore, rabbit, kanga and roo?* sa wakas makapapanood na ako ulet ng UAAP... college pa ate ko nung huling panood ko ng UAAP at 14 yrs ang age gap namin at ngaun me asawa na siya nde pa ako nakakanood ulet... T_T pero okay lang nde pa naman ako masyadong apektado noon kasi nde pa naman ako college noon maliban na lang ngaun me susuportahan na talaga ako! ^_^ nakaka-sad naman para sa mga green archers dahil isang taon silang suspendido sa UAAP sa lahat ng klase ng sports... so it means na hindi kami aasa na makakakita kami ng mga La Sallites na alumni ng MariSci???

U.S.T. na ako ngaung pasukan okei naman ang course ko na electronics and communications engineering ayoko lang yung uniform nila parang uniform sa high school, pero nagtataka ako bakit sa babae maganda, gray samantalang sa lalaki parang polo ko nung high school na manipis at puti naiba lang ng design pero mukha paring gusgusin konting dumi lang... pero gusto ko ang P.E. dahil nakuha ko ung gusto kong P.E. na swimming, siguro kaya maraming slot sa swimming dahil marami ayaw ang swimming ang in-demand dun ay volleyball dahil wala ka namang ibang pagpipilian dahil track and field at dance sport na lang natitira, syempre sino ba me gusto ng dance sport? college ka pa lang pero inaaral mo na ang pagging matrona o d.o.m.... kaya ang bagsak nila ay track and field, hindi naman mahirap tumakbo pero hindi ka naman matutuwa dahil walang challenge takbo ka lang ng takbo... puro paa...

sa aking pagkuha ng sport and sched para sa P.E. na realize ko na mahal ko pala talaga ang swimming napag-isip tuloy ako kung ka-careerin ko ba ulit ang swimming... nakakadagdag pa nang makita ko ang announcement for try-outs na gusto maging varsity... pero naisip ko rin, grade 4 pa huling formal training ko sa swimming at isang taon lang iyon pero grabe naman talaga ang training super paguran isa rin siguro yun kung bakit ako nagquit sa swimming varsity tsaka wala namang locker sa Marist!!! dala ko araw-araw lahat ng gamit ko tapos me P.E. pa! pero naiisip ko ngayon "Paano kaya kung hindi ako tumigil sa pagsswimming?" "Siguro may luslos na ako ngayon... nakaback pack pa naman na ako nung grade 6..." pero sa totoo lang pinanghihinayangan ko ang taong sinayang ko kinakalawang na ako sa swimming, hindi na nadagdagan ang endurance ko sa swimming...
...............................fly with me..............................
10:06 AM
Builders of my tomorrow...
...............................fly with me..............................
9:38 AM
this is my class sched for my first year in college...
freshman na ulit ako!
...............................fly with me..............................
12:34 PM
1st time mo matawag na GRADEschool?
Malapit na ulit magpasukan at nakita ko ang kapatid ko na sinusulatan ang mga libro ko at ang sinusulat niya ay "I- Neptune", tinanong ko ang kapatid ko "Planet ba ang section ko?" aba at tumpak pala ang aking iniisip! ^_^
Naging pang-umaga na ako at hindi ko na masyadong binigyan ng pansin yun... hindi all around teacher ang advsier namin, nagpapalit na kami ng teacher sa iba't-ibang subject pero hindi isang subject per teacher, 1-3 subjects per teacher pero related naman ang hawak nila, hindi naman kunwari religion at science ang hawak niya... isang teacher lang ang nagtuturo ng reading at english, sa isa naman ang math and science, tapos sa isa naman ang filipino at sibika... like that partision... :D
Ang advsier ko na ay si Miss Caro, nasa mid 30's na siya noon at hanggang ngayon propesyon pa rin niya ng pagiging binibini ewan ko ba kung bakit, hindi naman siya pangit, pero hindi rin siya kagandahan...siguro nag-eenjoy siya sa pagiging dalaga forever... pero napakabait nitong teacher na 'to siya na ang pinakapaborito kong naging adviser... na T.V. na 'tong teacher na 'to kasama sila Miss Bagalayos (hearthrob na teacher sa amin kasi bata pa at maganda, siya ang teacher namin sa Math and Science) and unknown teacher... na T.V. sila hindi dahil nakagawa sila ng magandang bagay at lalong nagawa sila ng kasalanan... na T.V sila dahil dumalaw sila sa burol ng teacher ng St. Scho na pinatay ng holdaper dahil nanglaban... ang gang ng dahilan noh kung bakit sila lumabas sa T.V. ^_^
To be continued...
...............................fly with me..............................
11:39 AM
Noong bata ako hindi ko na maalala kung ilang taon ako noon, nahilig ako sa music... at ang paborito ko noon ay Beatles at Eraserheads... naging paborito ang "Yellow submarine" ng Beatles dahil sa tatay ko na lagi niyang pinatutugtog ang compilation niya ng Beatles... sabi nila "yelow susmari" daw ang lagi kong sinasabi pag sinasabayan ko ang kantang yellow submarine...
At ang pinakapaborito kong kanta sa lahat hanggang ngayon ay ang "Toyang" ito ang super naaalala ko kung gaano ako kaadik sa toyan noon, dati me cassette player kami at lagi ko iyong pinapaulit-ulit, naririndi na nga yung mga kapatid ko dahil sa paulit-ulit yung kanta, gusto rin noong ang "Tindahan ni Aling Nena" siguro dahil sa ganda ng melody kaya ko nagustuhan yun noon dahil bata pa ako noon at hindi marunong umintindi ng lyrics... nagustuhan ko halos lahat ng kanta ng Beatles at Eraserheads hanggang sa ngayon...
Noong bata ako naranasan ko rin ang makipag-usap ng D.J. ng radio staion, ate ko ang tumawag sa radio station at sa akin pinaka-usap, natuwa ako dahil narinig ko yung boses ng ate ko na nanggagaling sa radyo tapos nang i-abot na sa akin ang telepono natememe ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko... binulungan na lang ako ng mga kapatid ko na mag-rerequest daw ako ng kanta... hindi ko maalala kung anong kanta yung pinaparequest nila sa akin, basta naaalala ko hindi ko alam meaning ng request noon, pero sinunod ko naman ang sinabi nila sa akin at yun din ang sinabi ko sa D.J.
...............................fly with me..............................
11:25 AM
...............................fly with me..............................
10:31 PM

...............................fly with me..............................
8:44 PM
Bakit naman? Sagot nila, "Because the year only has 365 days."
And when you take these factors/things into consideration....
1. Sundays - 52 Sundays in a year. Sunday is rest day. therefore...
Days left: 313.
2. Summer - 50 days of very hot weather. mahirap daw mag-aral kapag mainit.
Days left: 263.
3. Sleep - Kailangan ng 8 hours araw-araw, hindi ba? Calculate, this equals to 130 days.
Days left: 141.
4. Relaxation - kailangan mo ng isang oras per day, sabi nila. (good for health) means 15 days.
Days left: 126.
5. Pagkain - tatlong meals, snacktime, 2 hours estimate para doon.(dapat chew properly). Bilangin mo, equal to 30 days.
Days left: 96.
6. Chit-Chat - "man is a social animal". So sabihin na nating i sang oras per araw kang nakikipang-chikahan. means 15 days.
Days left: 81.
7. Exams - per year, mga 35 exam days.
Days left: 46.
8. Festivals/holidays/araw para sa RALLY o MOB - 37 days.
Balance: 9 days.
9. Illness - nagkakasakit ka rin naman minsan, hindi ba? Sabihin na nating apat na araw kada taon.
Remaining days: 5.
10. Organization - siyempre may mga org activities pa. So 4 na araw para dun, sabihin natin.
1 day left.
11. Tapos, that 1 day is your birthday. How can you study at that day?
Natitirang araw: 0, nill, nada, none
...............................fly with me..............................