<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/24977841?origin\x3dhttps://dyiyanwei.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Wednesday, June 14, 2006
10:58 PM

First Day High!

Unang araw ko kanina sa kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, alam ko na may kakilala na ako agad sa unang araw pa lang ng klase at yun ay si Christine Grace Balanaa pero siyempre hindi naman kami sabay pumasok at nauna ako sa kanya na hanapin ang room naming for the first subject…

Time check: 11:00am
Maaga para sa klase ko ng 12:00pm… ako bilang engot at kalahati naiwan ko ang reg form ko kaya hindi ko alam kung anong room papasukan ko kaya minabuti kong tumambay sa labas at itext muna si Christine kung ano room naming… “room 312” text sakin ni Christine, at dahil medyo mainit sa labas ng Engineering building minabuti ko ng hanapin ang room namin dahil alam ko aircon room namin at panahong iyon katext ko din si Alma dahil klase niya pa nun… kunwari nde ako baguhan sa building, confident na umakyat at hinanap ang room 312 pag-akyat ko nakita ko ang room numbers nasa 200’s, pag-akyat ko sa third floor nakita ko nasa 300’s na kaya hinanap ko sa floor na iyon, swerte naman at nakita ko agad, nung una nag-aalangan ako pumasok dahil may tatlong estudyante sa loob na akala ko kaklase ko… ayoko naman ma-OP… tinext ko si Alma na lumabas muna siya ng room dahil nasa 311 lang naman siya, nakapag-usap kami ng sandali at iniwan din niya ako sa labas… kaya minabuti ko nang pumasok sa room 312… pag-upo ko sa isa sa mga upuan ay tsempo na nagsitayuan ang tatlong estudyanteng kasama ko sa loob at lumabas na… “ay hindi ko pala sila kaklase” sa loob-loob ko…

Time check: 11:20am
“Bakit ganun bakit ganun ako palang mag-isa dito sa room… masyado pa rin ba maaga?” maya-maya ay bumukas ang pinto, at may ulong dumungaw at nagtanong “room 312 ba ‘to?” “Oo” sagot ko kahit hindi sigurado para me kasama ako kung mali man ako ng akala... ahehehe! Nabobore na ako kaya inaliw ko muna sarili ko… agad ko napansin ang mga vandal… mga Pilipino nga naman ang hilig mag-iwan ng remembrance… me vandal ng away at sagutan me mga naghahanap ng textmate at meron din naghahanap ng sexmate! San ka pa?! at tsempo nagtext si Mozo at me naasar ako… ^_^ me isa pang lalaki ang dumating at sa wakas dumating na din si Christine sa wakas me kausap na din ako at maya-maya pa ng konti me dalawng babaeng dumating pero nagtanong muna sila kung 1-17 kami bago sila pumasok… at may isa pang babae na naka-civilian ang pumasok… ayan! Dumadami na kami, 7 na kami ngaun!

Time check: 11:55am
“Bakit parang ang konti pa rin natin eh malapit na magstar klase nate?” tanong ko ke Christine “Me nakita akong papel sa labas na nakasulat pls proceed to other room” “Ow? Bat wala ata akong napansin…” maya-maya pa ng konti ay may pumasok na prof… “1-3?” nagulat kame pero nakasagot pa kame “1-17 po!” “Me klase ako dito, nde niyo to klase…” wala na kami nagawa syempre prof nag-utos sa amin tsaka nagpapasukan na ang mga estudyante niya… paglabas naming nakita naming ung papel na may nakasulat na “Users of room 311 please proceed to room 43” oo room 312 kami dapat pero nakadikit yun sa labas ng room naming kaya sinunod naming yung nakalagay… nauna sa paghanap ng room namin… sinundan naming yung dalawa unang pinuntahan mali dead end hanggang nahanap namin ang tamang daanan at nahanap ang room 43.

Time check: 12:10pm
Nakita naming madami ang estudyante sa loob… “Naku nagkklase na ata sila past 12 na eh…” sinilip naming kung me prof na “buti wala pang prof, baka nde pa sila nagkklase” kaya naispan ko na magtanong sa mga estudyante sa loob kung anong section nila… hindi mo masyadong naintindihan yung sagot nila pero alam ko hindi 1-17 section nila at yun ang sinabi ko sa mga kaklase ko… tapos me nakita na naman kaming papel na may nakalagay na “USERS of room 43 proceed to room 60” kaya sinubukan naming puntahan… kasalukuyang nasa fourth floor kami kaya umakyat pa kami ng isang floor sa fifth floor para hanapin ang room 60 pero series of 50 lang ang nakita naming at wala nang akyatan, nagtanong din kami sa isang personnel kung saan ang room 60 pero sabi niy hanggang room 59 lang meron… naisip nung dalawang babaeng kaklase ko na magtanong na kaya kami sa Dean’s office kung san ang klase naming…

Pagod ka na ba magbasa? Pwes hindi pa tapos ang kwento ko!

Time check: 12:20pm
Yung dalawang babae naman ang pumasok at nagtanong sa loob ng Dean’s office… paglabas nila me itinurong bagong room na baka dun ang klase namin, parang kalokohan lang kaya hindi naming sinunod, naisipan nung dalawang babae na bumalik sa room 311-312… pagdating naming dun me mga estudyante na nakakumpol at may kausap na faculty member… napasabi tuloy ako “Uy oh! Sila din walang classroom parang tayo!” malaman-laman lang naming matapos tanungin kung ano section nila, kaklase pala naming sila!!! Ayun naging batalyon na kaming naghahanap ng classroom… tinuro kami ng faculty member sa CAD room… pagdating naming dun may nakasulat “Do not enter CAD room until you instructor told you.” So naghintay kami sa labas at umaasa na dadating ang instructor naming at makakapasok na…


Aug. 17, 2006

haaii after 2000 jurassic years ngayon ko lang ulit maa-update blog ko! at prelims na! first day high pa rin ang topic ko kaya kelangan nang tapusin...

so ayun na nga nag-antay kami sa wala... isa lang ang naging klase namin nung araw na yun...


-The End-


...............................fly with me..............................

:: profile ::

Gian Rei A. Mangcucang
AKA: Dyiyan Wei
17 years of age


:: tags ::


archives

March 2006 April 2006 June 2006 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009

:: links ::

BeAbEa
sAmUeL
ShElA bOiE?
cHiNkOiE BiLoIe
JeTeEcA gAnDa
rAnDeLlE d0oDz




:: credits ::

Designer:
andakDESIGN

Others:
Blogskins
Blogger