11:39 AM
Noong bata ako hindi ko na maalala kung ilang taon ako noon, nahilig ako sa music... at ang paborito ko noon ay Beatles at Eraserheads... naging paborito ang "Yellow submarine" ng Beatles dahil sa tatay ko na lagi niyang pinatutugtog ang compilation niya ng Beatles... sabi nila "yelow susmari" daw ang lagi kong sinasabi pag sinasabayan ko ang kantang yellow submarine...
At ang pinakapaborito kong kanta sa lahat hanggang ngayon ay ang "Toyang" ito ang super naaalala ko kung gaano ako kaadik sa toyan noon, dati me cassette player kami at lagi ko iyong pinapaulit-ulit, naririndi na nga yung mga kapatid ko dahil sa paulit-ulit yung kanta, gusto rin noong ang "Tindahan ni Aling Nena" siguro dahil sa ganda ng melody kaya ko nagustuhan yun noon dahil bata pa ako noon at hindi marunong umintindi ng lyrics... nagustuhan ko halos lahat ng kanta ng Beatles at Eraserheads hanggang sa ngayon...
Noong bata ako naranasan ko rin ang makipag-usap ng D.J. ng radio staion, ate ko ang tumawag sa radio station at sa akin pinaka-usap, natuwa ako dahil narinig ko yung boses ng ate ko na nanggagaling sa radyo tapos nang i-abot na sa akin ang telepono natememe ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko... binulungan na lang ako ng mga kapatid ko na mag-rerequest daw ako ng kanta... hindi ko maalala kung anong kanta yung pinaparequest nila sa akin, basta naaalala ko hindi ko alam meaning ng request noon, pero sinunod ko naman ang sinabi nila sa akin at yun din ang sinabi ko sa D.J.
...............................fly with me..............................