4:02 PM
Semana santa pampanga trip...
kahit huli na ang balita gusto pa rin isiwalat ang karumal-dumal na pangyayari ang ginawa sa akin nila mikai at jaye...
nag-overnight kami kanila mikai para makasiguro na hindi kami malalate mahirap na baka mag-init ulo ng tatay ni mikai maiwan pa kami... masaklap ang naka-impake ka na tapos naiwan ka na pala... :'c

si jaye talaga napakamanlalamang sa tulog, siya na nga yung me pinakamahaba na tulog sa amin natulog pa rin sa biyahe... ang laki-laki ng nasakop niya sa sasakyan, ang init-init na nga nakastretch pa siya... napaka-init ng buong biyahe dahil walang aircon ang sinasakyan namin, mabilis kami nakarating sa pampanga at nakakita kami agad ng mga nagpepenetensia, akala namin makakapanood kami ng live na senakulo yun pala sa tv din pala kami manonood... T_T
...............................fly with me..............................