10:28 PM

Natapos na ang school year ng kindergarten at panahon na mag move on sa prep at kinailangan ko ulit lumipat ng school sa Marist School… naging pahirapan din ang pagpilit sa akin na lumipat ulit ng school dahil na-attach na ako sa dati kong school at ayoko ng bagong pakikihalubilo… ewan ko ba kung bakit ganung ang emosyon ko nung bata ako, ayaw kong mawalay sa mga kaibigan ko… sa sobrang hirap sa pagpilit sa akin noon tumulong na rin si Teacher Rose sa pagpilit sa akin na lumipat ng school at ayun successful naman sila at napapayag nila ako…
Hindi ko talaga matandaan kung paano ako nakapasa sa Marist dahil sa aking pagkaka-alala hindi ko naman naisulat ng buo ang pangalan ko sa test paper ko nun ang nailagay ko lang “Gian” dahil sobrang haba ba naman ng apelyido ko paano ko ba naman yun maaalala?
Naalala ko nung first day ko sa Marist hindi ko kasama momi ko ang pinasama sa akin ang diche ko… at nung pumunta kami ng Marist tinatanong sa akin ng diche ko kung saan daw ung classroom ko, siyempre bata pa hindi ko alam ang pinagkaiba ng testing room sa classroom kaya tinuturo ko siya sa naging testing room ko pero buti na lang alam niya na hindi ko talaga alam kung saan classroom ko kaya hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayare, ang alam ko na lang ay nakarating na kames a classroom ko… ang section ko noon ay maginoo… prep maginoo at ang adviser at overall subjects teacher ay si Mrs. Contreras isang maliit na matandang babae na medyo masungit at medyo wavy ang buhok at may eyeglasses sa lila! ^_^ ang tanda!
Matapos akong ihatid ng kapatid ko sa aking classroom ay lumabas na siya at nakasilip na lang sa may pintuan kasama ang iba pang mga magulang ng aking mga kaklase… tapos maya-maya ng konti biglang nawala sa paningin ko ang kapatid ko at dahil dun muntik na ako maiyak (tai na yan! Iyaking bata!) pero siyempre napigilan pero malungkot ako habang sila ay kumakanta at nagsasaya… pagkatapos ng klase nalaman ko na lang na nandun lang pala yung kapatid ko buong magdamag ako inantay at natakpan lang siya ng pader kaya hindi ko siya nakita…
Ang setting ng classroom mesa tapos hiwalay na upuan kumpara sa higher level magkasama ang upuan at mesa at tinatawag na armchair! Sa loob lang kami ng classroom pag nagbbreak, baong lang naming ang kakainin naming dahil hindi kami pwede bumili pa sa canteen.
Panghapon ako noon, ang prep-grade 3 sa batch ko ay nahahati sa dalawang batch ang pang-umaga at ang panghapon. pero noong naging grade 4 kami ginawa ng buong araw ang lahat ng grade 3, kaya masasabi ko na maswerte batch namin dahil nakaabot pa kami sa halfday sa grade 3...
Ayoko nun ang pangalan ng section ko kasi sa araw-saraw ba naman na ginawa ng Diyos pag me nagtanong kung ano section mo, syempre sasagot ka ng "Maginoo" tapos bigla ka nila kakantahan ng "Maginoo, pero medyo bastos!" usong-uso pa naman yung kanta ni Cookie Chua na yun at syempre 'pag bata ka, kapag inasar ka aasarin mo rin pero mas walang kwentang pang-asar, masabi lang na nakaganti ka. :D
Sa Marist masaya ang magpataas ng grades dahil pakiramdam mo na-aappreciate ang efforts mo kahit na marami kayong me ganun... every grading nirerecognize ang mga me honor pero sa loob lang ng classroom dahil baka nde umuwi ang mga estudyante sa dami ng me honor na nahahati sa tatlong distinction ang third honor, second honor at first honor... noong prep ako para magkaroon ka ng third honor dapat ay 83 and above sa bawat subject hindi ang average, 85 and above naman sa second honor at 88 and above naman sa first honor... malalaman mo agad na me honor ka sa report card dahil makikita mo ddon na me kulay ang star mo at me pirma ^_^ blue para sa third honor, red para sa second honor at yellow naman sa first honor.... bukod pa doon ay makakatanggap ka ng recognition card na may honor ka...
Sa buong school year ko sa prep nakatanggap ako ng second honor noong third quarter at wala na sa ibang quarter... 'wag na umasa... prep din ako unang nakatanggap ng line of 7 pero hindi ko napansin yun hanggang sa nakita ko muli ang report card ko noong prep nang ako'y naging grade 3.
Mag-eend na nun ang school year noon ewan ko ba kung bakit ako nalungkot noon at naiyak, naisip ko noon baka nde na kami magkita-kita next school year dahil nga may mapupunta sa panghapon at pang-umaga... naiinis ako pag naiisip ko yung panahon na yun napaka-iyaking bata ko talaga... tsktsktsk...
...............................fly with me..............................