memorable sa akin ang mga larong pambata na pinapagawa diyan sa pre-school na yan... diyan ko unang natutunan ang "sit down, sit down your rocking the boat" "sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak..." at kung anu-ano pa... madalas kami pag naglalaro sa basketball court sa loob ng village namin kasi naman hindi kami kakasya sa loob ng pre-school... paano ba naman bahay lang yun na ginawang pre-school...
nahilig din ako sa jumbo crayons, kasi nung bata ako gusto ko malalaki gamet ko para madaling gamitin kasi ba naman wala pang kontrol… kasama na rin dun ang jumbo pencils… ^_^
dati lagi akong me pangamba kapag iinom ako ng "Magnolia Chocolait" kasi ang malas ko noon, lagi na lang ako nakakainom ng panis na chocolait… T_T lalo na Choc-O lahat ng ininom kong ganun panis…
masaya naman ang nursery life ko… nakarelate ba kayo sa kwento ko?