Matapos ang isang taon sa nursery school ko 1994, inilipat naman ako sa Little Child of Jesus School, medyo sikat na ang school na yan ngayon kumpara noon, kasi ngayon marami nang ads, located siya sa Rancho nde ko lang alam kung 1, 2 or 3 pero sigurado akong hindi Rancho 4 yan kasi malayo yun sa amin…
May maganda at batang teacher kami noon na anak ng may ari ng school ko, ang tawag naming sa kanya ay Teacher Rose… me twist na mababasa sa dulo ng kwentong ito…
Naaalala ko yung kaklase kong prep na si Aiko kung hindi ako nagkakamali, siya lang ang marunong magbasa sa amin noon ^_^ ewan ko lang kung ano na nangyare sa kanya… ayaw na ayaw ko yung service ko noon si Mang Sol, paano ba naman ang sungit-sungit niya sa akin tuwing susunduin niya ako ewan ko ba kung bakit tapos dumagdag pa nang dumating si Teacher Joey isang babaeng kulot na terror!!! Biruin mo yun me terror teacher na sa pre-school at napakalupit niya dahil pinatayo niya ako noon nung hindi ko mabasa yung word na “bell” ipagdasal na lang niya na hindi ko na siya maalala dahil talagang babawian ko siya! ^_^ ahehehe!
First embarrassing moment ko naganap noong kinder ako… nakakatawang isipin kinder na ako noon pero dumedede pa ako ng gatas sa bote at nag-ootot (thumb sucking) pa ako noon… dahil minsan binisita ako ng mga teachers ko sa aming bahay at nahuli nila akong dumedede kinabukasan sa sobrang hiya ko sinabi ko na lang sa momi ko na hindi na lang ako papasok kasi nahihiya ako… at siyempre hindi pumayag momi pumasok pa rin ako… ang babaw noh? Salamat naman sa Diyos at hindi tsinismis ng mga teachers ko sa mga classmates ko ang nakita nila… big deal sa akin yun noon…
*sa aking elementarya isang kagimba-gimbal na pangyayari ang binalita sa akin ng dati kong kamag-aral noong kinder at yun daw ay… “patay na si Teacher Rose… nasagasaan siya ng trak!” siyempre bata exaggerated magkwento, hindi siya talaga mismo ang nasagasaan ng trak, ang kotse lang niya kaso nasa loob siya noong sagasaan ng trak yung kotse niya kaya pati siya tigok…